SALINSIK

Gabay sa Kaalaman ng Pagsasaling-Wika


Simulain sa Pagsasalin

1. Bawat wika ay nakaugat sa kultura ng mga taong likas na gumagamit nito.

...
Orihinal

Her heart is as white as snow.

Salin

Busilak sa kaputian ang kanyang puso.

2. Bawat wika ay may kanya-kanyang natatanging kakanyahan.

...
Ingles

Jose watered the plants.

The plants were watered by Jose.

Filipino

Dinilig ni Jose ang mga halaman.

Ang mga halaman ay dinilig ni Jose.

Tandaan: Kailangang maging maingat ang tagapagsalin sa paggamit ng mga panlapi, tulad ng um at mag.
...
Halimbawa

Lilia bought a book.

Maling Salin

Nagbili ng aklat si Lilia.

Tamang Salin

Bumili ng aklat si Lilia.

3. Hindi kailangang ilipat sa pinagsalinang wika ang kakayahan ng wikang isinasalin.

...
Filipino

Si Pedro ay nanood ng sine.

Nanood ng sine si Pedro.

Nanood si Pedro sa sine.

Sine ang pinanood ni Pedro.

Ingles

Pedro movie a saw.

Saw Pedro a movie.

Movie Pedro a saw.

A movie saw Pedro.

Tamang Salin

Pedro saw a movie.

4. Ang isang salin upang maituring na mabuting salin ay kailangang tanggapin ng pinag-uukulang pangkat na gagamit nito.

...
Halimbawa

Operation (Mathematics)

Sa Sipnayan

operasyon (tumutukoy sa pagsasama-sama, pagbabawas, pagpaparami at paghihiwahiwalay)

Sa mga Doktor

operasyon (tumutukoy sa pag-oopera)

...

5. Bigyan ng pagpapahalaga ang uri ng Filipino na angkop na gamitin sa pagsasalin.

...
Ingles

Stop

Maynila Filipino

Tama na.

Cebuano Filipino

Husto kana.

6. Ang mga daglat, akronim, formula na masasabing establisado o universal na ang gamit ay hindi na isinasalin.

...
Halimbawa

DepEd (sa halip na KagEd mula sa Kagawaran ng Edukasyon)

7. Kung may pagkakataon na higit sa isa ang matatanggap na panumbas sa isang salita ng isinasaling teksto, gamitin ang alinman sa mga iyon at pagkatapos ay maaaring ilagay sa talababa (footnote) ang iba bilang mga kahulugan.

...
Ingles

Bag

Salin

Sisidian, supot, bayong.

8. Laging isaisip ang pagtitipid ng mga salita.

...
Halimbawa

Tell the children to return to their seats.

Di-matipid

Sabihin mo sa mga bata na bumalik sa kanilang upuan.

Matipid

Paupuin mo ang mga bata.

9. Nagkakaroon lamang ng tiyak na kahulugan ang isang salita kapag ito'y nagiging bahagi ng parariia o pangungusap.

...
Halimbawa

He ate a cup of rice. (kanin)

The farmers harvested rice. (palay)

He bought a kilo of rice. (bigas)

10. Isaalang-alang ang kaisahan ng mga magkakaugnay na salitang hiram sa Ingles.

...
Halimbawa

solid and liquid

Mali

solido at likwid; solid at likido

Tama

solido at likido; solid at likwid

...

Mabisang Pagsasalin

1. Kung magkakaroon ng ibang pakahulugan sa itutumbas na salita, humanap ng ibang maaaring ipalit dito o di kaya linawin ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng context clue.

...
Orihinal

His paper was soaked in water.

Mahinang Salin

Basa ang kanyang papel.

Mabuting Salin

Basa sa tubig ang kanyang papel.

Basa ang kanyang sulatang papel.

2. Hangga't magagawa ay iwasan ang paggamit ng panumbas na salita na may kaanyo sa ibang wika sa Pilipinas ngunit hindi kakahulugan.

...
Orihinal

Your servant is already here.

Mahinang Salin

Narito na ang iyong lingkod.

Mabuting Salin

Narito na ang iyong tagapaglingkod / katulong / utusan.

3. May mga pagkakataon na ang isang kaisipang ipinahahayag nang tahasan sa Ingles ay kailangang gamitan ng eupemistikong salita sa Filipino upang hindi maging pangit sa pandinig.

...
Halimbawa

sex - pakikipagtalik

sperm - punlay, punia ng buhay

penis - ari ng lalaki

vagina - ari ng babae

4. Ang isang magandang pamagat sa Ingles ay hindi nangangahulugang magiging maganda ring pamagat sa Filipino.

...
Halimbawa

Broken Arrow - Sirang Palaso

Sirang Palaso - Tanggal Mukha

Speed - Bilis

The Exorcist - Ang Sinaniban


Malayang Talakayan

Sa pagsasaling wika, hindi salita sa salita ang pagsasalin

Mga Halimbawa:

...
Like Father, Like Son

Kapag isinalin ito sa Tagalog ng salita sa salita ay katulad ng ama, katulad ng anak. Bagaman at nakapagsalin tayo sa Tagalog, hindi naman natin naisalin ang diwa nito. Ang nararapat na salin ay, kung ano ang puno ay siya ang bunga.

...
This is a red-letter day

Salin: Isa itong mahalaga at masayang araw.

Hit the nail on the head

Salin: Gawin ang nararapat.

Break the ice

Salin: Mapalagay ang loob.

With bells on

Salin: Nagagalak.

Move heaven and earth

Salin: Gawin ang lahat ng paraan.

Sleep tight

Salin: Matulog ng mabuti.

Lend a hand

Salin: Tumulong ka.

He is a well-known poet

Salin: Siya ay isang bantog na makata.

If i were in your shoes

Salin: Kung ako ang nasa iyong kalagayan.

...
Ellipsis

Salin: Duyog

Biology

Salin: Haynayan

Formula

Salin: Sanyo

Mechanics

Salin: Sigwasan

Arithmetic

Salin: Bilnuran

Panakda

Salin: Numerator

Damikay

Salin: Polynomial

Tayahan

Salin: Calculus

Tao

Salin: Homo-sapiens

Liknayan

Salin: Physics


Teknik o Paraan ng pagsasalin ng tula

Sa pagsasalin ng isang tula sa paraang patula rin, may iba't ibang teknik ang ginagamit ng mga tagapagsalin. May mga nagsasalim na isinasalin muna ang tula nang tuluyan upang matiyak na nakuha ang mensahe ng tula. Pagkatapos ay saka pa lamang ito aayusin ng patula.

Halimbawa:

A Home Song (Henry Van Dyke)

I read within a poets book a word
that starred the page:
"Stone walls do not a prison make,
Nor iron bars a cage.

"Yes, that is true and something
More; You'll find where'er you roam,
That marble floors and gilded walls
Can never make a home.

But every home where love abides
And friendship is a guest
Is truly home, and home sweet home!
For there heart can rest.

Unang Hakbang: Pagpapakahulugan

Dalawa ang karaniwang estilo ng "paraphrasing" na sinusunod ng mga tagapagsalita:

Estilo A:

Linya por linya ang pagpapakahulugan kung ang balak rin ang kanyang gagawing ng tagapagsalin ay linya por linya pagsasalin.
1.

a. Nabasa ko sa aklat ng isang makata

b. ang ganitong salita na namumukod sa isang pahina:

c. "Ang pader na bato ay hindi bilangguan;

d. gayundin, ang rehas na bakal ay hindi hawla."

2.

a. Oo, totoo iyon, at totoo pa rin

b. na makikita mo kahit saan ka magpunta

c. na ang sahig na marmol at ginintuang pader,

d. kailanman ay hindi maituturing na tahanan

3.

a. Subalit ang tahanan na tinatahanan ng pagmamahalan

b. at ang pagkakaibigan ay panauhin

c. ay tunay na tahanang at napakatamis na tahanan

d. sa pagkat doon ang puso ay makapagpapahinga

Pagkatapos maisagawa ito, sisimulan nang bumuo ang tagapagsalin ng mga pansamantalang taludtod na may sukat at tugma, batay sa pagpapakahulugang isinagawa sa bawat linya.

Estilo B:

Kung hindi linya por linya ang balak na gagawing pagsasalin na ang ibig sabihin ay maaaring magkapalit-palit ng pusisyon ang mga linya o ang mga bahagi ng mga linya, ang "paraphrasing" o pagpapakahulugan ay maaaring ganito.
1.

Sa aklat ng isang makata ay namumukod sa isang pahina ang "salita ang pader na bato ay hindi bilangguan at ang rehas na bakal ay hindi rin hawla."

2.

Oo, totoo iyon, at totoo parin na makikita mo kahit saan ka magpunta na ang sahig na marmol at ginintuang pader, kailanman, ay hindi maituturing na tahanan.

3.

Subalit ang bawat tahanan na pinananahanan ng pagmamahalan at ang pakikipagkaibigan ay panauhin, iyon ang tunay na tahanan at tahanang kagiliw-giliw sapagkat doon ang puso ay makapagpapahinga.

Ikalawang Hakbang: Pagbuo ng Pansamantalang Mga Taludtod

Pagkatapos ng pagpapakahulugan, sisimulan nang bumuo ng mga pansamantalang taludtod na may sukat at tugma ang tagapagsalin, batay sa pagpapakahulugang isinagawa sa bawat linya kung linya por linya ang gagawing pagsasalin.
Kung hindi naman linya por linya ang paraang gagamitin, kukunin ng tagapagsalin ang diwang saknong at susubukin niyang bumuo ng mga taludtod batay sa diwa ng saknong at hindi sa diwa ng bawat taludtod.
Ang mabubuong burador ang paulit-ulit na pakikinisin ng tagapagsalin hnaggnag umabot sa bahaging siyay siyang siya na sa kanyang salin.
Sa kabilang dako, may mga nagsasalin naman na tula-sa-tula na kaagad ang ginagamit na teknik. Ito marahil ang pinaka popular o pinaka karaniwang teknik Isasalin na muna ng isasalin ang buong tula at pagkatapos ay saka isa-isang babalikan ang mga salin na karaniwan ay paisa- sa isang saknong hanggang sa kuminis ng kuminis ang salin.
Sa pagpapakinis ng salin maging ano mang teknik ang ginagamit, kaalin sabay ng pagpili ng sa palagay ng tagapagsalin ay pinaka aangkop na mga salita. Ang karaniwang pinag tutuonan- ng pansin ng tagapagsalin ay ang pagaayos ng mga mga sesura, ang pagtutugma tugma ng mga salita kung ang salin ay kumbensyunal, ang paggamit ng mga tayuta, ritmo at kung paano higit na magiging matulain ang mga pahayag.

Halimbawa ng tulang nakasulat sa Ingles na isinalin sa Filipino:

Orihinal sa Teksto:

Trees

I think that I shall never see
A poem lovely as a tree.

A tree whose hungry mouth is prest
Against the sweet earth’s flowing breast;

A tree that looks at God all day,
And lifts her leafy arms to pray;

A tree that may in summer wear
A nest of robins in her hair;

Upon whose bosom snow has lain;
Who intimately lives with rain.

Poems are made by fools like me,
But only God can make a tree.

– by Joyce Kilmer (1886–1918)

Salin sa Filipino:

Punungkahoy

Sa aking palagay ay hindi na ako makakakita pa
Ng tulang sindikit nitong punungkahoy na kaaya-aya

Bibig na dayukdok di ibig alisin sa pagkakadikit
Sa dibdib ng lupang ang daloy ng buhay, walang kasing tamis

Sa buong maghapon, sa mukha ng Diyos lamang nakatingin
Ang dahunang bisig ay nangakataas sa pananalangin

Kung nagtatag-init, ang maagong buhok ay nahihiyasan
Ng pugad ng ibong pugad din ng tuwa at kaligayahan

Sa kanyang kandungan, ang kabusilaka’y doon umiidlip
Sa buhos ng ulan ay magkarayamang nakikipagtalik

Tula’y nagagawa ng mga gaya kong mulala at hangal,
Mga punungkahoy, ang nakagagawa’y tanging Diyos lamang

– ni Joyce Kilmer (1886–1918)

Talasanggunian

Delos Santos et. al. (2019). Pagpapataas ng kasanayan sa pagsasalin ng wikang Ingles sa Tagalog sa STEM 11B sa pamamagitan ng QR Code. Sinipi sa https://www.studocu.com/ph/document/southern-luzon-state-university/mathematics/pagpapataas-ng-kasanayan-sa-pagsasalin-ng-wikang-ingles-sa-filipino/20175413.


E-Translation

Mga E-Translation na maaaring makatulong sa pagsasalin: